Wednesday, July 22, 2009

America's Got Talent...

Napapanood nyo ba ang America's Got Talent? sa youtube siguro o kaya sa TV?

Napansin ko ang kakaibang vocals ni Ciana Pelekai...half-pinay ba itong batang ito? Base sa aking mga napanood at nabasa sya ay taga-Hawaii. Napakagandang boses para sa walong taong gulang na bata. At bago matapos ang show, may pinakitang interview kay Susan Boyle na runner-up contestant naman ng British Got Talent. Kamangha-mangha din ang kanyang boses nang kinanta nya ang I Dreamed A Dream from Les Miserable. I don't want to compare Ms. Boyle with Lea Salonga dahil magka-iba sila ng pinagmulan pagdating sa larangan ng musika. Subalit, talaga namang kakaiba ang boses at interpretation ni Ms. Salonga ng awitin nya ito bilang Fantine. Panoorin po ninyo: http://www.youtube.com/watch?v=TfSObcR8lXc

4 comments:

Anonymous said...

gud post... medyo naligaw lang ako sa topic... daming pinuntahan.. nauwi kay lea hehhe... anyway, gud link and she's amazing! :)

epeykyu said...

Sa blog ko bida pa ang sambayanang Pilipino. :)

epeykyu said...

Si Ciana Pelekai ay half-Filipina po base sa aking research.

epeykyu said...

Sad news mga kabayan, Ciana did not make it through the top 40.

Post a Comment