Maraming taon na ang lumipas mula nang maganap ang 1986 Philippine Presidential Election. Isa ako sa mga kabataang wala pang pakialam sa mga nangyayari sa ating bansa noong panahon na iyon. Kakaunti lang ang natatandaan ko at hindi ko malilimutan si Ninoy who was assassinated sa Manila International Airport nuong August 21, 1983. Napanood ko sa TV at nakita ko sa sa mga dyaryo ang mga taong nakiramay sa kanyang paglisan. In February 1986, nangyari ang snap presidential election kung saan naging magkalaban si Marcos at ang asawa ni Ninoy na lagi kong nakikitang nakadilaw na damit. Tama Na! Sobra Na! Palitan Na! ay madalas kong naririnig sa kalsada. Maraming pandaraya ang naganap kung saan napabalita pa na ang official tally ng COMELEC ay laging pinakikitang si Marcos ang leading samantalang ang NAMFREL naman ay si babaeng nakadilaw. Natatandaan ko din yung mga COMELEC computer technicians na nag-walkout. Pero gayunpaman, na-declare pa din si Marcos bilang Presidente sa naganap na election. Dahil dito gumising ang sambayanang Pilipino at naganap ang People Power Revolution. Noong February 25, 1986, yung babaeng nakadilaw ay dineklarang Presidente ng Pilipinas. That night, umingay ang paligid, busina dito busina doon ng mga sasakyan, bakit? Dahil tuluyan nang napatalsik ng mga pinoy si Marcos. Nakita ko ang galit at tuwa ng sambayanang Pilipino at ang pinagsasa-sampal na larawan ni Marcos.
Salamat po former President Corazon "Cory" Aquino, ang babaeng nakadilaw, isa kang inpirasyon sa panunumbalik ng demokrasya sa Pilipinas.
Monday, July 20, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment