Tuesday, July 28, 2009

Ang Trapo...

Ang Trapo, Bow

O trapong ipokrito, dumating na naman ang panahon
Na ika'y manggamit ng mga mahihirap sa lipunan

Mga hikahos sa buhay kailangan nyo ba ng trapo?
Sinong trapo ang iboboto sa darating na halalan?

O trapong mapangako, dumating na naman ang panahon
Na ika'y magsamantala at maging buwaya

Mga kabayan kailangan nyo ba ng trapo?
Sinong trapo ang handang magbayad ng todo para sa boto?

O trapong oportunista, dumating na naman ang panahon
Na ika'y magbagong-anyo at isuot ang maskara

Mga kapatid kailangan nyo ba ng trapo?
Sinong trapo ang...TAMA NA! SOBRA NA! AYOKO NANG ITULOY!

Hoy! kayong mga traditional politicians (trapo) TIGIL-TIGILAN NYO NA ANG MGA GANYANG STYLE! Nakaka-panginig kayo ng laman.

2 comments:

Anonymous said...

isa ka rin palang makata tio paeng... nakakahanga ang iyong mga talento... isa kang talentadong pinoy!

epeykyu said...

Ako po ang sumulat, si epeykyu, hindi si tio paeng. :)

Post a Comment