Mga kabayan, si Former President Maria Corazon "Cory" Cojuangco Aquino ay sumakabilang buhay na po. Siya ay matatandaang na-confine sa Makati Medical Center dahil sa kanyang colon cancer.
Tita Cory once said and I quote "I would rather die a meaningful death than to live a meaningless life". While Ninoy once said "The Filipinos are worth dying for".
Sila ay naging inspirasyon natin sa panunumbalik ng demokrasya sa ating bansa. Naway panatilihing nating itaguyod at ituloy ang sinimulan nilang laban.
Ninoy died for our freedom...Tita Cory did not live a meaningless life.
A real icon of democracy, paalam Tita Cory at salamat po.
Friday, July 31, 2009
Thursday, July 30, 2009
Flights to Manila...
Mga kabayan, nalalapit na naman ang holidays...oras na naman para mag-shopping or magbakasyon sa darating na kapaskuhan. Naghahanap ba kayo ng murang airfare or ticket pauwing Pilipinas? Or gusto nyo bang mag-compare ng iba't ibang prices ng mga travel websites? Subukan nyo po itong link na ito: http://www.sidestep.com/
Labels:
shopping
Tuesday, July 28, 2009
Dear...
May sumulat po sa Tio ninyo...isa itong scam kaya hindi ko na ipa-publish. Siya daw po ay minamaltrato ng kanyang step mother at gusto na nyang layasan ito. Meron daw po syang malaking salapi na nasa bangko at bibigyan nya ako ng porsyento kung tutulungan ko syang makalayas sa kanyang step mother. Mga style nga naman ng mga scammers o.
Mag-ingat mga kabayan sa nare-receive na email, wag laging paniniwalaan dahil nagkalat ang mga manloloko sa internet.
Tio Paeng
email: tiopaengnyoko@gmail.com
Mag-ingat mga kabayan sa nare-receive na email, wag laging paniniwalaan dahil nagkalat ang mga manloloko sa internet.
Tio Paeng
email: tiopaengnyoko@gmail.com
Labels:
advice
Ang Trapo...
Ang Trapo, Bow
O trapong ipokrito, dumating na naman ang panahon
Na ika'y manggamit ng mga mahihirap sa lipunan
Mga hikahos sa buhay kailangan nyo ba ng trapo?
Sinong trapo ang iboboto sa darating na halalan?
O trapong mapangako, dumating na naman ang panahon
Na ika'y magsamantala at maging buwaya
Mga kabayan kailangan nyo ba ng trapo?
Sinong trapo ang handang magbayad ng todo para sa boto?
O trapong oportunista, dumating na naman ang panahon
Na ika'y magbagong-anyo at isuot ang maskara
Mga kapatid kailangan nyo ba ng trapo?
Sinong trapo ang...TAMA NA! SOBRA NA! AYOKO NANG ITULOY!
Hoy! kayong mga traditional politicians (trapo) TIGIL-TIGILAN NYO NA ANG MGA GANYANG STYLE! Nakaka-panginig kayo ng laman.

news
Saturday, July 25, 2009
Soft LUD and Hard LUD...
Kabayan narinig mo na ba o nabasa mo na ang LUD sa mga chat room or forum perhaps? Kailan ba soft or hard ang LUD?
Ang Last Update Date or LUD ay makikita sa Online USCIS Case Tracking website. Maari kang mag-create ng portfolio account mo sa kanilang website para ma-track mo ang iyong kaso, halimbawa, Adjustment of Status (I-485), pending Travel Document, etc. Bawat kaso, may column ka na makikita na ang tawag ay "Last Updated mm/dd/yyyy".
Magkakaroon ka ng Hard LUD kung nagbago ang iyong LUD sa website nila at naka-receive ka ng email notification. While Soft LUD lamang ito kung napansin mong nagbago ang iyong LUD at wala kang email notification na natanggap. Paano ka makaka-create ng case status portfolio? Puntahan mo ito kabayan: https://egov.uscis.gov/cris/jsps/index.jsp

usimmig
How To say Puyo in English...
Paano daw po ba inglesin ang puyo? Opo kabayan yung puyo sa ulo. E di... puw-yow. :)
Seryoso na. Ang english po ng puyo ay "COWLICK".
Seryoso na. Ang english po ng puyo ay "COWLICK".
Labels:
howto
Friday, July 24, 2009
Daing na Pusit...
Gusto nyo bang lagyan ng konting twist ang food nyo na daing na pusit? Ano ba masarap na style ng pagluluto dito?
Ganito, magpa-init kayo ng 2 tablespoon ng butter. Tapos samahan nyo ng 1 tablespoon of minced garlic. And then pag medyo golden brown na yung garlic, ilagay nyo na yung daing na pusit at hinaan nyo yung apoy hanggang sa maluto yung pusit sa desired na crunchiness nito. Pagkatapos, hanguin nyo yung pusit at sa pinagprituhan ninyo magsangag kayo mga kabayan. Champion yan!

food
MS Word 2007 Non Commercial Use...
Ever experience seeing Non Commercial Use on your MS Word 2007 on Windows Vista?
Kung bigla na lang po kayong nagka-problema isang araw at hindi nyo magamit-gamit ang inyong Word 2007 sa Vista, pwede nyo pong gamitin ito as reference at pang-troubleshoot. Baka po kasi may automatic update na nangyari sa Word 2007 ninyo. The below link from microsoft might be able to help you mga kabayan.

pctrouble
Filipino-American Activist...
Ang Filipino-American activist na si Melissa Roxas ay nasa Pilipinas ngayon. Sino ba si Roxas at ano bang nangyari?
Siya po ay isang member ng Bayan USA Chapter na nagsasabing sya ay binihag at tinorture ng ilang sundalo ng Armed Forces of the Philippines. Hep hep mga kabayan, bago tayo mag-react hintayin muna natin ang patutunguhan at katapusan ng kasalukuyang investigation ukol dito. Wag muna nating akusahan ang gobyerno o kung sino-sinong mga tao. Amen? Amen! Peace kabayan.

Thursday, July 23, 2009
Wednesday, July 22, 2009
America's Got Talent...
Napapanood nyo ba ang America's Got Talent? sa youtube siguro o kaya sa TV?
Napansin ko ang kakaibang vocals ni Ciana Pelekai...half-pinay ba itong batang ito? Base sa aking mga napanood at nabasa sya ay taga-Hawaii. Napakagandang boses para sa walong taong gulang na bata. At bago matapos ang show, may pinakitang interview kay Susan Boyle na runner-up contestant naman ng British Got Talent. Kamangha-mangha din ang kanyang boses nang kinanta nya ang I Dreamed A Dream from Les Miserable. I don't want to compare Ms. Boyle with Lea Salonga dahil magka-iba sila ng pinagmulan pagdating sa larangan ng musika. Subalit, talaga namang kakaiba ang boses at interpretation ni Ms. Salonga ng awitin nya ito bilang Fantine. Panoorin po ninyo: http://www.youtube.com/watch?v=TfSObcR8lXc

music
Truncating and Shrinking Log...
Madalas ba kayong mawalan ng disk space dahil sa paglaki ng transaction log files ninyo? Ang sumusunod po ay ginagamit ko as a solution to truncate and shrink the transaction log sa mga sql server database na ang recovery model ay Full Recovery.
It is advisable po na yung database ninyo ay na-back up na bago ninyo i-execute itong mga queries na sumusunod:
--check nyo yung statistics ng transaction log space usage
dbcc sqlperf(logspace)
--backup nyo yung log; TRUNCATE_ONLY po ay ire-remove yung inactive part ng log file
backup log [dbname] with truncate_only
--alamin nyo yung transaction log filename ng database nyo
sp_helpdb 'dbname'
--actual na pag-shrink
DBCC SHRINKFILE ([dbname_Log] ,10,TRUNCATEONLY)
--parameters: transaction log filename, target size in MB, TRUNCATEONLY po ay ire-release
--ang unused space sa log file para magamit ng operating system
Labels:
sql
Tuesday, July 21, 2009
Erin Andrews...
Si Erin Andrews na isang kilalang ESPN reporter ay kamakailan lamang naging biktima ng voyeurism kung saan sya po ay kinuhanan ng video habang sya ay nasa kanyang hotel room. In other words, sya po ay nabosohan habang pribadong nasa loob ng kanyang room.
Wala po akong video at hindi ako ang kumuha ng video. :) Mag-ingat mga ladies para hindi kayo maging biktima ng voyeurism.
Labels:
news
Monday, July 20, 2009
How to Solve Square Roots...
How to solve a square root using Windows Standard Calculator?
For example, get the square root of 81.
1. Open nyo yung Calculator as Standard View.
2. Type 81 and then press the sqrt button.
3. Should give you the answer afterwards.
How to solve a square root using Windows Scientific Calculator?
Again, for example, let's get the square root of 81.
1. Open nyo yung Calculator.
2. Punta kayo sa View Menu at piliin nyo yung Scientific.
3. Sa Scientific View Window wala na yung sqrt button pero makikita nyo yung button na x^y. Yan ang gagamitin nyo sa pagkuha ng square root.
4. So to get the square root of 81, ita-type nyo 81 then press the x^y button and then type .5 at tapos yung = button.
Saan nanggaling yung .5? Para makuha natin ang square root ng 81 we need to raise 81 to the power of the reciprocal of 2. Ano reciprocal ng 2? 1/2 or 0.5 or .5 kaya naging 81 raise to the power of .5 so more power sa iyo kabayang mathematician.

Ang Babaeng Nakadilaw...
Maraming taon na ang lumipas mula nang maganap ang 1986 Philippine Presidential Election. Isa ako sa mga kabataang wala pang pakialam sa mga nangyayari sa ating bansa noong panahon na iyon. Kakaunti lang ang natatandaan ko at hindi ko malilimutan si Ninoy who was assassinated sa Manila International Airport nuong August 21, 1983. Napanood ko sa TV at nakita ko sa sa mga dyaryo ang mga taong nakiramay sa kanyang paglisan. In February 1986, nangyari ang snap presidential election kung saan naging magkalaban si Marcos at ang asawa ni Ninoy na lagi kong nakikitang nakadilaw na damit. Tama Na! Sobra Na! Palitan Na! ay madalas kong naririnig sa kalsada. Maraming pandaraya ang naganap kung saan napabalita pa na ang official tally ng COMELEC ay laging pinakikitang si Marcos ang leading samantalang ang NAMFREL naman ay si babaeng nakadilaw. Natatandaan ko din yung mga COMELEC computer technicians na nag-walkout. Pero gayunpaman, na-declare pa din si Marcos bilang Presidente sa naganap na election. Dahil dito gumising ang sambayanang Pilipino at naganap ang People Power Revolution. Noong February 25, 1986, yung babaeng nakadilaw ay dineklarang Presidente ng Pilipinas. That night, umingay ang paligid, busina dito busina doon ng mga sasakyan, bakit? Dahil tuluyan nang napatalsik ng mga pinoy si Marcos. Nakita ko ang galit at tuwa ng sambayanang Pilipino at ang pinagsasa-sampal na larawan ni Marcos.
Salamat po former President Corazon "Cory" Aquino, ang babaeng nakadilaw, isa kang inpirasyon sa panunumbalik ng demokrasya sa Pilipinas.
Salamat po former President Corazon "Cory" Aquino, ang babaeng nakadilaw, isa kang inpirasyon sa panunumbalik ng demokrasya sa Pilipinas.
Labels:
news
Pacquiao and Cotto...
Sport News naman tayo.
Mga kabayan tuloy na po ang bakbakan sa November 14 sa MGM Grand, Las Vegas nila pound-for-pound king Manny Pacquiao at welterweight titleholder Miguel Cotto. Matatandaan na huling pinabagsak ni Pacquiao si Ricky Hatton sa nasabi ring lugar. Mapatiklop din kaya ni pound-for-pound itong si Cotto? Abangan!
Labels:
news
Moon in Google Earth...
Gusto nyo bang makarating sa moon ng libre? Punta kayo dito: http://earth.google.com/moon/. With Moon in Google Earth, ma-e-explore ninyo ang buwan at makikita nyo ang landing sites ng Apollo astronauts.
Labels:
news
Sunday, July 19, 2009
Apollo 11...
Ang Apollo 11 ay ang historic eight day mission to the moon na nangyari mula July 16-24 taong 1969. Hindi natin malilimutan sila astronauts Neil Armstrong and Buzz Aldrin na kauna-unahang mga nilalang to walk on the Moon, hindi po si Michael Jackson (joke lang), noong July 20 sa nasabing taon.
While America conquered the moon, the Philippines conquered the universe sa katauhan ni Ms. Gloria Diaz bilang first Miss Universe title-holder ng Pilipinas. Indeed, masasabing big news ito sa ating bansa at malaking karangalan sa mga pinoy.

Saturday, July 18, 2009
Harry Potter Movie Review...
Kakapanood ko lang ng Harry Potter the Half-Blood Prince. Kumpara sa cake, half-baked ito. Sa opinion ko, ito ang boring na Harry Potter movie so far. Mas mainam pa yatang binasa ko na lang yung book six.
Before the show, nakatawag ng pansin ang movie na 2012. Ito ay hango sa mga haka-haka na ang doomsday o end of the world ay mangyayari sometime around year 2012. Abangan!
Before the show, nakatawag ng pansin ang movie na 2012. Ito ay hango sa mga haka-haka na ang doomsday o end of the world ay mangyayari sometime around year 2012. Abangan!
Labels:
movies
OPM Streaming...
Saan kayo nakikinig ng OPM streaming audio?
Ako po sa http://www.sintunado.com, kayo?
Ako po sa http://www.sintunado.com, kayo?
Labels:
radiovideo
Bing vs Google...
Gusto nyo bang i-compare ang Bing at Google search engines? Hindi kayo makapag-decide kung sino mas gusto nyong default search engine? Punta kayo sa http://www.bing-vs-google.com and compare their results side by side.
Labels:
news
Isang...
Malupit ang ulan na dumaan sa Pilipinas mga kabayan. Katakot-takot na baha na naman ang inabot ng mga kabataang pumasok sa iskwela na lumusong sa baha tapos suspended naman pala ang klase. (sigh) Bakit nga ba madalas flooded sa atin pag tag-ulan? Dahil ba sa global warming? Anak ng pasig naman o, di pa uso global warming usong-uso na ang baha sa atin. (another sigh)
Labels:
news
Shopping for Havaianas...
Gusto po ba ninyong malaman kung saan kayo makakapag shopping ng mga tsinelas na Havaianas? Meron po silang online store din...ano na po bang nangyari sa Spartan? Hinahanap ko online wala po akong makita e, karamihan havaianas versus spartan, sa itsura naman mukhang pareho lang pwedeng pamatay ng ipis. :)
Labels:
shopping
Canadian Immigration...
Kung gusto nyo pong malaman ang mga information, news, forms at iba pang aspeto ng Canadian immigration, bisitahin nyo po ang kanilang site sa http://www.cic.gc.ca.
Labels:
canimmig
Friday, July 17, 2009
Visa Bulletin for August 2009...
Ito po ay hango ko sa US Department of State Visa Bulletin kung saan matatagpuan nyo ang summary ng availability ng immigrant numbers.
Only applicants who have priority date earlier than the cut-off date may be alloted a visa number.
Family-Based / Philippines
1st / 15SEP93
2A / 15JAN05
2B / 01MAY98
3rd / 08AUG91
4th / 08SEP86
Naku po, hanggang kelan pa kaya maghihintay si kuya, si ate, si nanay, si tatay? Para sa detalye ng Visa Bulletin puntahan po ninyo ang kanilang website sa http://travel.state.gov. At tungkol naman po sa US Citizenship and Immigration Services, http://www.uscis.gov.

Compared to Papa Jack...
Mga Kaibigan,
Huwag nyo po akong i-compare kay Papa Jack of Love Radio. Magkaiba kami ng format, ng audience at mas sikat po sya sa akin.
Tio Paeng
email: tiopaengnyoko@gmail.com
Labels:
advice
Lea Salonga as Cinderella...
Nasaan na nga ba si Lea Salonga?
Mabuhay ka Lea!
Labels:
music
Free computer diagnostic tool...
Mga kabayan naranasan nyo na bang gumising isang araw and tried booting your computer, tapos ayaw mag-boot ng PC or notebook nyo? Try this solution, gumawa kayo ng Ultimate Boot CD (UBCD) for Windows.
What is UBCD? Isa itong bootable recovery CD that contains software for repairing, restoring or dianosing almost any computer problem. Nasubukan ko na ito nung minsang mag pc troubleshooting ako at patok po ito mga kabayan.
Pero sandali, check nyo muna baka brownout or di lang naka-plug PC nyo. :) corny pa din.
Labels:
pctrouble
Happy Meal...
Psst Jollibee batiin mo si McDonald...30 yrs old na si Happy Meal. Kailan ba nauso ang Happy Meal?
Taong 1979 nang i-introduce ni McDo ang maliit na box na ang laman ay hamburger, french fries saka laruan. Kahit hanggang ngayon marami pa din sa atin ang nagko-collect ng mga toys na kasama ng Happy Meal. Kahit wala na yung food basta may toy lang. Is it for dine-in or take out? No, for Vandolph.
Labels:
food
Goodyear Tire...
Ako po'y lumaki sa Las Pinas at nakakalungkot na malaman na after 50 years in the Philippines ang Goodyear Tire and Rubber Co. sa Las Pinas ay magsasara na sa September 30. Naway makakuha ng bagong trabaho o magandang retrenchment package yung mga employees na matatanggal.
Labels:
news
UNIQUE and LATEST record...
Maybe sometimes you need to extract the unique and latest records from a table. Kung ako, here's one way para ma-resolve ko ito.
Let's assume the below table structure. The field id is unique in this case while phonenumber has duplicate values.
--sample table structure
CREATE TABLE [dbo].[mytable](
[id] [int] NOT NULL,
[phonenumber] [varchar](50) NOT NULL,
[customername] [varchar](50) NOT NULL
) ON [PRIMARY]
--insert some dupe values
insert into mytable (id,phonenumber,customername)
select 1,'1111111111','John Smith'
insert into mytable (id,phonenumber,customername)
select 2,'1111111111','John Smith'
insert into mytable (id,phonenumber,customername)
select 3,'1111111111','John Smith'
insert into mytable (id,phonenumber,customername)
select 4,'2222222222','Juan Dela Cruz'
insert into mytable (id,phonenumber,customername)
select 5,'3333333333','Pedro Penduko'
insert into mytable (id,phonenumber,customername)
select 6,'4444444444','Jose Ponce'
insert into mytable (id,phonenumber,customername)
select 7,'4444444444','Jose Ponce'
insert into mytable (id,phonenumber,customername)
select 8,'1111111111','John Smith'
--SQL SERVER 2000
select * from mytable
select *
from mytable A
where id in
( select max(id)
from mytable
where phonenumber = A.phonenumber ) order by id
--QUERY 1 OUTPUT:
id phonenumber customername
1 1111111111 John Smith
2 1111111111 John Smith
3 1111111111 John Smith
4 2222222222 Juan Dela Cruz
5 3333333333 Pedro Penduko
6 4444444444 Jose Ponce
7 4444444444 Jose Ponce
8 1111111111 John Smith
--QUERY 2 OUTPUT:
id phonenumber customername
4 2222222222 Juan Dela Cruz
5 3333333333 Pedro Penduko
7 4444444444 Jose Ponce
8 1111111111 John Smith
--IN SQL SERVER 2005
WITH latest AS
(
SELECT
ROW_NUMBER() OVER (PARTITION BY phonenumber ORDER BY id desc) As num
, id
, phonenumber
, customername
from (select id,phonenumber,customername from mytable) as R
)
SELECT
id
,phonenumber
, customername
FROM latest
WHERE num = 1 order by id
--QUERY 3 OUTPUT:
id phonenumber customername
4 2222222222 Juan Dela Cruz
5 3333333333 Pedro Penduko
7 4444444444 Jose Ponce
8 1111111111 John Smith
Labels:
sql
Ginataang Alimasag...
Simpleng pagluluto ng ginataang alimasag.
Mga sangkap:
5 pirasong alimasag
1 lata or 1 cup gata
1 sibuyas (onion)
4 cloves bawang (garlic)
1/4 ng medium na kalabasa (squash)
1 tali ng sitaw (string beans)
asin (salt)
Pakuluan nyo yung gata kasama ang sibuyas at garlic. Pag kumukulo na, ilagay nyo yung alimasag kasabay ng kalabasa. Kapag malapit ng pumula ang alimasag, ilagay nyo na yung sitaw at sprinkled with little bit of salt.

Digital Cam SLR...
Naghahanap ako ng mura pero magandang picture quality na digital cam slr. May kamahalan din pala ang presyo...maganda din kasing magpicture-picture minsan. Maganda ang mga reviews sa Nikon D300 - ganda din ng presyo.
Labels:
shopping
Thursday, July 16, 2009
Twitter...
Kamakailan lamang merong hacker na nakapasok sa Twitter administrator's personal email account. Yung account ay mayroong private financial documents and notes. Note, na hindi ito hack sa Twitter service bagkus ito ay personal attack followed by the theft of private company documents sabi ni Twitter co-founder Biz Stone.
Kaya mga kabayan dapat mga strong passwords ang ginagamit nyo. Mas mainam kung ang password nyo ay combination ng letters, numbers at symbols.
Kaya mga kabayan dapat mga strong passwords ang ginagamit nyo. Mas mainam kung ang password nyo ay combination ng letters, numbers at symbols.
Labels:
news
Harry Potter...
Aprubado daw ng Vatican ang Harry Potter and the Half-Blood Prince. Nakatulong daw ito na ma-deliver yung message that good prevails over all evil. Dating kino-condemn ng Vatican ang Harry Potter kasi "wrong kind of hero" daw si Harry. E baka naman si Dirty Harry napanood nila? (corny)
Mapanood nga sa weekend.
Mapanood nga sa weekend.
Labels:
movies
Canada PR...
Gusto mo bang magtrabaho at manirahan sa Canada pero hindi alam kung saan magsisimula? Ganito, maaari kasing ikaw lang ang mag-apply o kaya ipalakad mo sa lawyer. Pero I would suggest na magpatulong ka sa lawyer kasi ang immigration laws mabilis magbago. Kilala ng karamihan si Atty. Cohen, kung saan sa website nya pwede kang magpa-assess ng skills mo. After assessment, magpipirmahan kayo ng agreement...may mga kakilala ako na in less than one year nagkaroon na ng Permanent Resident (PR) card.
Labels:
canimmig
The Journey Concert Tour...
Para sa mga fans ni Arnel Pineda ng Journey, ito po yung listahan ng concert tour nila. Abangan nyo din po ako at may personal appearance ako sa bahay namin mamaya. Hmp! corny.
July 16, 2009 - Walker, MN - Moondance Jam
July 18, 2009 - Cadott, WI - Chippewa Valley Rock Festival
July 19, 2009 - Sioux Falls, SD - Sioux Falls Arena
July 21, 2009 - Morrison, CO - Red Rocks Amphitheater
July 23, 2009 - Paso Robles, CA - California Mid-State Fair
July 25, 2009 - Reno, NV - Reno Events Center
July 26, 2009 - Boise, ID - Boise State University
July 29, 2009 - Pala, CA - Pala Casino
July 30, 2009 - Pala, CA - Pala Casino
August 01, 2009 - San Bernardino, CA - San Manual Amphitheatre
August 02, 2009 - Tucson, AZ - Anselmo Valencia Center
August 04, 2009 - Bossier City, LA - Centurytel Center
August 05, 2009 - Tulsa, OK - BOK Center
August 07, 2009 - Thackerville, OK - WinStar Casino
August 08, 2009 - Memphis, TN - Mud Island Amphitheatre
August 16, 2009 - Indianapolis, IN - Indiana State Fair
August 18, 2009 - Rockford, IL - Rockford Metro Centre
August 20, 2009 - Youngstown, OH - Chevrolet Centre
August 21, 2009 - Louisville, KY - State Fair - Freedom Hall
August 23, 2009 - Des Moines, IA - State Fair - Grandstand
August 25, 2009 - Grand Rapids, MI - Van Andel Arena
August 26, 2009 - Columbus, OH - Schottenstein Center
August 29, 2009 - Darien Center, NY - Darien Lake Performing Arts Center
August 31, 2009 - Uniondale, NY - Nassau Veteran Memorial Coliseum
September 02, 2009 - Saratoga Springs, NY - Saratoga Performing Arts Center
September 04, 2009 - Atlantic City, NJ - The Borgata
September 05, 2009 - Atlantic City, NJ - The Borgata
September 07, 2009 - Uncasville, CT - Mohegan Sun Arena
September 09, 2009 - Baltimore, MD - 1st Mariner Arena
September 10, 2009 - Reading, PA - Sovereign Center
September 12, 2009 - Manchester, NH - Verizon Wireless Arena
September 13, 2009 - Wallingford, CT - Chevrolet Theatre
September 15, 2009 - Richmond, VA - Richmond Coliseum
September 16, 2009 - Pikeville, KY - Eastern Kentucky Expo Center
September 18, 2009 - Greensboro, NC - Greensboro Coliseum
September 19, 2009 - Alpharetta, GA - Verizon Wireless Amphitheater
September 21, 2009 - Pensacola, FL - Pensacola Civic Center
September 23, 2009 - Orlando, FL - Amway Arena
September 24, 2009 - Hollywood, FL - Hard Rock Live
September 26, 2009 - New Orleans, LA - New Orleans Arena
September 27, 2009 - Beaumont, TX - Ford Pavilion
September 29, 2009 - Austin, TX - Frank Erwin Center
September 30, 2009 - Oklahoma City, OK - Zoo Amphitheatre
October 03, 2009 - Henderson, NV - M Resort Spa Casino
Labels:
music
Michael Jackson...
Pinakikinggan ko ang Thriller ni Michael Jackson habang tina-type ko ito. Bakit ba si Michael Jackson e patay na ini-intriga pa din? May nabasa ako kanina, ayon kay Ian Harpelin si Michael daw ay isang tsupit at nagkaroon daw ng ka-relasyon na half-Asian na construction worker. Baka half-pinoy iyon a...kabayan mag-share ka naman ng thoughts mo dito. :)
Labels:
music
Live radio streaming...
San ba kayo madalas nakikinig? Ako kasi sa http://www.accuradio.com, maraming genre ito. Kayo po?
Labels:
radiovideo
An invitation from COMELEC...
Mga bloggers ini-imbitahan tayo ng COMELEC para i-cover ang 2010 elections simula daw sa preparations hanggang sa proclamation ng winner.
Sana may pa-Jollibee. :)
Labels:
news
Monitor blocking SQL processes...
Sa SQL Server paano nyo malalaman kaagad kung anong process ang nangba-block sa ibang process?
Mag-open kayo ng query analyzer (applicable ito both sa 2000 at 2005). Tapos i-execute nyo itong stored procedure:
sp_who2
Sa column na "BlkBy" malalaman nyo kung anong process id nung nangba-block. And then kung gusto nyong makita kung ano yung event ng process id, i-execute nyo ito:
dbcc inputbuffer(yung id)
Or kung gusto nyo ng mas detailed na pag-monitor, basahin nyo ito: http://support.microsoft.com/kb/271509
Labels:
sql
Green Card...
Bakit ba ang hirap pumasok sa US? Bakit ba ang hirap kumuha ng green card? Mayroon namang iba na nasa US na nga gusto namang bumalik ng Pilipinas.
Karamihan sa mga pinoy pag nalamang may kamag-anak na nasa abroad, ang tingin kaagad mayaman or may-kaya ang pamilya. Bakit kaya?
Kung alam nyo lang kung gaano kahirap manirahan sa ibang bansa. Kayo, gusto nyo bang mag-abroad?
Labels:
usimmig
Tio Paeng...
Kung ang love radio 90.7 ay may Papa Jack, ang EP-EY-KYU ay may Tio Paeng.
Kayo ba'y nalulungkot? Walang makausap? Sulat na.
Tio Paeng nyo ako at handang magbigay ng payong kaibigan sa inyong lahat.
Regards,
Tio Paeng
email: tiopaengnyoko@gmail.com
Labels:
advice
Love Radio...
Sa mga fans ng love radio 90.7 ito po ang link para mapakinggan nyo yung live radio streaming nila.
http://eradioportal.com/loveradio_manila.asx
Kailangan pa bang i-memorize yan?
http://eradioportal.com/loveradio_manila.asx
Kailangan pa bang i-memorize yan?
Labels:
radiovideo
Wednesday, July 15, 2009
Free Long-distance Call sa US...
Would you like to call someone in the US for free? Paano? Ganito, kung meron kayong internet sa bahay (preferably DSL), mag-join kayo sa skype. Ang skype po kasi ay maaring mag-dial ng 1800 numbers. Kung ang kakilala nyo sa US ay may 1800 number, matatawagan nyo sila. O kaya idial nyo ang 1800-GOOG411 sa skype, and then hanapin nyo ang business name kung saan nagwo-work ang kakilala nyo sa US at pag nakita ida-dial ng goog411 yung number para sa inyo.
Isa pang option ay yung magicjack kung saan karamihan ng mga kakilala ko ay nag-e-enjoy sa paggamit...maaring gamitin pang-tawag sa US at Canada.
Isa pang option ay yung magicjack kung saan karamihan ng mga kakilala ko ay nag-e-enjoy sa paggamit...maaring gamitin pang-tawag sa US at Canada.
Labels:
howto
Free 411 US Directory Assitance...
Gusto nyo bang makatawag ng libre sa telephone directory assistance? Paano? Pwede nyong i-dial ang 1800-FREE411 o kaya 1800-GOOG411. Right now, yung goog411 wala pang residential numbers unlike sa free411.
Labels:
howto
Somethin' Fishy...
Ito daw po iyong kauna-unahan sa Pilipinas na 24/7 buffet restaurant, Somethin' Fishy. Kahit kaya signal number 3, bukas sila? hehehe.
Nakakain na kayo dito mga kabayan? Masarap ba?
Nakakain na kayo dito mga kabayan? Masarap ba?
Labels:
food
Thriller in Manila...
Aba e kay huhusay naman ng mga pinoy bilibid. Panoorin nyo ito, alay nila para kay Michael Jackson:
http://www.youtube.com/watch?v=OK25cfzdTTg
http://www.youtube.com/watch?v=OK25cfzdTTg
Labels:
radiovideo
Mabisang pang-tanggal ng virus...
Naranasan nyo na bang magkaroon ng computer virus? Sa aking experience, mabisang pang-tanggal ang malwarebytes.
Kayo po, ano pinang-tanggal nyo?
Kayo po, ano pinang-tanggal nyo?
Labels:
pctrouble
Sa kauna-unahang pagkakataon...
Mabuhay!
Sa wakas nakagawa din ng blog. Ito po ay dine-dedicate ko sa mga pinoy (Filipino) na nagkalat sa buong mundo. Ang blog ko po ay pinamagatang "EP-EY-KYU" (in English FAQ) kung saan tayong mga pinoy na mahilig mag-internet ay pwedeng mag-usap usap or magbigay ng mga comments tungkol sa mga bagay-bagay na maaring tugma sa mga interests ko at sa inyo. Ang blog ko po ay "taglish" (Tagalog-English) kaya wag po kayong mag-alala kung mali-mali ang spelling at pag-i-ingles ninyo because I myself is not perfection. :)
Labels:
about
Subscribe to:
Posts (Atom)