Friday, August 28, 2009

Texting While Driving...

Mga kabayan, mahilig ba kayong mag-text habang nagda-drive? Ano bang posibleng mangyari kung ipagpapatuloy ang ganitong habit?

Panoorin mo kabayan and I hope you'll get the point.

Warning: Extremely graphic ang sumusunod na mapapanood nyo. Ito ay isang public service announcement sa UK.

(Source of this video is Youtube's funnyvideoso7)

Friday, August 21, 2009

Ninoy Aquino, Hindi Ka Nag-iisa...

Sa araw na ito, August 21, ipinagdiriwang ng sambayanang Pilipino ang ika-26 na kamatayan ni Benigno "Ninoy" Aquino. By now, I would assume na mas lalong dumami ang kanyang taga-hanga. Para sa akin or sa nakararami isa syang ama ng demokrasya. Ano po ba ang pinaglalaban ni Ninoy nung mga panahon na iyon? Inyo pong panoorin ang memorable speech nya sa Los Angeles para sa kasagutan sa tanong na iyan using the below link.
http://www.youtube.com/watch?v=jHyJYcUIUjg

Thursday, August 13, 2009

ABS-CBN and GMA live video streaming...

Sa mga kabayan nating laging nagtatanong kung saan maaring makanood ng live video streaming ng kapamilya o kapuso, ito lang po ang links na alam ko:
http://www.justin.tv/telebisyonlayn2
http://www.watchpinoytv.info/live-streaming-channels/abs-cbn-live-online-streaming-channel/

Kabayan baka naman may iba pa kayong alam na maaring puntahan na link para makapanood ng live video streaming ng ABS-CBN saka GMA mag-comment lang po kayo...yung walang bayad ha. :)

Suspect Database SQL 2000...

Na-experience nyo na ba na magkaroon ng suspect database sa SQL Server 2000? Two days ago, I had this problem. How did I fix it? Ganito po:

--1st Step: Open kayo ng Query Analyzer and then allow nyo yung direct update sa system tables.
--Query:
Use Master
Go
sp_configure 'allow updates', 1
reconfigure with override
Go

--2nd Step: Please take note of the status value na nasa sysdatabases.
--Query:
select * from sysdatabases where name = 'YourSuspectDB'
-- where name should be the database name of your suspect database
-- normally ang status ay 16, meaning allow torn page detection

--3rd Step: Put the suspect database in emergency mode (32768).
--Query:
update sysdatabases set status = 32768 where name = 'YourSuspectDB'
-- where name should be the database name of your suspect database

--4th Step: Put the database in single user mode. You don't want anybody tinkering with the
--database while fixing it.
--Query:
sp_dboption 'YourSuspectDB', 'single user', 'true'

--5th Step: Punta kayo sa folder or directory kung saan naka-store yung .LDF ng suspect database --and then rename nyo yung transaction log filename.
--Query:
--NOTE: Gumamit ako ng undocumented command for rebuilding the log.
--parameters are: databasename, filename
DBCC rebuild_log('YourSuspectDB','E:\SQL_Logs\YourSuspectDB_Log.LDF')

--6th Step: Check your database for inconsistencies.
--Query:
DBCC checkdb('YourSuspectDB')

--7th Step: Update nyo yung database status from emergency to torn page detection.
--Query:
update sysdatabases set status = 16 where name = 'YourSuspectDB'

--8th Step: Reset the allow updates back to 0.
sp_configure 'allow updates', 0
reconfigure with override
Go

So far, I've tried these steps on SQL Server 2000 only. Also, this was my last resort since sa test server lang naman nangyari ito at wala akong backup.

Monday, August 10, 2009

Le Cirque...

Nabasa ko po mga kabayan sa New York Post yung napabalita na ang entourage ni Pres. Arroyo ay nag-dinner sa Le Cirque at umabot daw ito ng around $20K (1M Pesos). Ano ba ang inorder nila? Namputsa, e baka naman may umorder ng ambiance? (joke joke)

Sabi ng Malakanyang simple lang naman daw po iyong meal nila. E bakit naman kailangan pa sa mamahaling restaurant kumain? Well, ayon sa Malakanyang sila daw po ay naimbitihan lamang ni Leyte Representative Romualdez na mag-dinner at ang nagbayad ng bill ay ang kapatid ni Rep. Romualdez.

Kung aalamin po ninyo kung magkano ang wine sa nasabing restaurant ito ay nagre-range from $28 to $12,000...wine pa lang yan ha. Ito pong impormasyon na ito ay nakuha ko sa website ng nasabing restaurant. Magkano naman kaya ang main course? Nakupo kabayan, tingnan nyo na lang sa website nila.

Yung mga ganitong situation mainit sa paningin nating mga pinoy kasi nga naman naghihirap ang karamihan ng ating mga kapwa samantalang itong leader ng ating bansa ay kumakain at umiinom sa isang expensive restaurant. E ano naman ngayon? Bawal bang kumain ang Presidente sa mamahaling restaurant? Hindi naman ipinagbabawal kaya lang hindi mawawala sa isip ng taong bayan kung saan ba nanggaling yung ipinambayad or sino ba ang taya? Galing ba sa kaban ng bayan or personal na pitaka?

Rep. Romualdez, utol mo ba talaga ang taya?...nagtatanong lang po. Kung si utol nagbayad, pahingi po ng kopya ng receipt at ipo-post ko dito sa blog ko. :)