Nabasa ko po mga kabayan sa New York Post yung napabalita na ang entourage ni Pres. Arroyo ay nag-dinner sa Le Cirque at umabot daw ito ng around $20K (1M Pesos). Ano ba ang inorder nila? Namputsa, e baka naman may umorder ng ambiance? (joke joke)
Sabi ng Malakanyang simple lang naman daw po iyong meal nila. E bakit naman kailangan pa sa mamahaling restaurant kumain? Well, ayon sa Malakanyang sila daw po ay naimbitihan lamang ni Leyte Representative Romualdez na mag-dinner at ang nagbayad ng bill ay ang kapatid ni Rep. Romualdez.
Kung aalamin po ninyo kung magkano ang wine sa nasabing restaurant ito ay nagre-range from $28 to $12,000...wine pa lang yan ha. Ito pong impormasyon na ito ay nakuha ko sa website ng nasabing restaurant. Magkano naman kaya ang main course? Nakupo kabayan, tingnan nyo na lang sa website nila.
Yung mga ganitong situation mainit sa paningin nating mga pinoy kasi nga naman naghihirap ang karamihan ng ating mga kapwa samantalang itong leader ng ating bansa ay kumakain at umiinom sa isang expensive restaurant. E ano naman ngayon? Bawal bang kumain ang Presidente sa mamahaling restaurant? Hindi naman ipinagbabawal kaya lang hindi mawawala sa isip ng taong bayan kung saan ba nanggaling yung ipinambayad or sino ba ang taya? Galing ba sa kaban ng bayan or personal na pitaka?
Rep. Romualdez, utol mo ba talaga ang taya?...nagtatanong lang po. Kung si utol nagbayad, pahingi po ng kopya ng receipt at ipo-post ko dito sa blog ko. :)
Monday, August 10, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment