Friday, July 31, 2009

Cory Aquino...

Mga kabayan, si Former President Maria Corazon "Cory" Cojuangco Aquino ay sumakabilang buhay na po. Siya ay matatandaang na-confine sa Makati Medical Center dahil sa kanyang colon cancer.

Tita Cory once said and I quote "I would rather die a meaningful death than to live a meaningless life". While Ninoy once said "The Filipinos are worth dying for".

Sila ay naging inspirasyon natin sa panunumbalik ng demokrasya sa ating bansa. Naway panatilihing nating itaguyod at ituloy ang sinimulan nilang laban.

Ninoy died for our freedom...Tita Cory did not live a meaningless life.


A real icon of democracy, paalam Tita Cory at salamat po.

Thursday, July 30, 2009

Flights to Manila...

Mga kabayan, nalalapit na naman ang holidays...oras na naman para mag-shopping or magbakasyon sa darating na kapaskuhan. Naghahanap ba kayo ng murang airfare or ticket pauwing Pilipinas? Or gusto nyo bang mag-compare ng iba't ibang prices ng mga travel websites? Subukan nyo po itong link na ito: http://www.sidestep.com/

Tuesday, July 28, 2009

Dear...

May sumulat po sa Tio ninyo...isa itong scam kaya hindi ko na ipa-publish. Siya daw po ay minamaltrato ng kanyang step mother at gusto na nyang layasan ito. Meron daw po syang malaking salapi na nasa bangko at bibigyan nya ako ng porsyento kung tutulungan ko syang makalayas sa kanyang step mother. Mga style nga naman ng mga scammers o.

Mag-ingat mga kabayan sa nare-receive na email, wag laging paniniwalaan dahil nagkalat ang mga manloloko sa internet.

Tio Paeng
email: tiopaengnyoko@gmail.com

Ang Trapo...

Ang Trapo, Bow

O trapong ipokrito, dumating na naman ang panahon
Na ika'y manggamit ng mga mahihirap sa lipunan

Mga hikahos sa buhay kailangan nyo ba ng trapo?
Sinong trapo ang iboboto sa darating na halalan?

O trapong mapangako, dumating na naman ang panahon
Na ika'y magsamantala at maging buwaya

Mga kabayan kailangan nyo ba ng trapo?
Sinong trapo ang handang magbayad ng todo para sa boto?

O trapong oportunista, dumating na naman ang panahon
Na ika'y magbagong-anyo at isuot ang maskara

Mga kapatid kailangan nyo ba ng trapo?
Sinong trapo ang...TAMA NA! SOBRA NA! AYOKO NANG ITULOY!

Hoy! kayong mga traditional politicians (trapo) TIGIL-TIGILAN NYO NA ANG MGA GANYANG STYLE! Nakaka-panginig kayo ng laman.

Saturday, July 25, 2009

Soft LUD and Hard LUD...

Kabayan narinig mo na ba o nabasa mo na ang LUD sa mga chat room or forum perhaps? Kailan ba soft or hard ang LUD?

Ang Last Update Date or LUD ay makikita sa Online USCIS Case Tracking website. Maari kang mag-create ng portfolio account mo sa kanilang website para ma-track mo ang iyong kaso, halimbawa, Adjustment of Status (I-485), pending Travel Document, etc. Bawat kaso, may column ka na makikita na ang tawag ay "Last Updated mm/dd/yyyy".

Magkakaroon ka ng Hard LUD kung nagbago ang iyong LUD sa website nila at naka-receive ka ng email notification. While Soft LUD lamang ito kung napansin mong nagbago ang iyong LUD at wala kang email notification na natanggap. Paano ka makaka-create ng case status portfolio? Puntahan mo ito kabayan: https://egov.uscis.gov/cris/jsps/index.jsp

How To say Puyo in English...

Paano daw po ba inglesin ang puyo? Opo kabayan yung puyo sa ulo. E di... puw-yow. :)

Seryoso na. Ang english po ng puyo ay "COWLICK".

Friday, July 24, 2009

Daing na Pusit...

Gusto nyo bang lagyan ng konting twist ang food nyo na daing na pusit? Ano ba masarap na style ng pagluluto dito?

Ganito, magpa-init kayo ng 2 tablespoon ng butter. Tapos samahan nyo ng 1 tablespoon of minced garlic. And then pag medyo golden brown na yung garlic, ilagay nyo na yung daing na pusit at hinaan nyo yung apoy hanggang sa maluto yung pusit sa desired na crunchiness nito. Pagkatapos, hanguin nyo yung pusit at sa pinagprituhan ninyo magsangag kayo mga kabayan. Champion yan!